litrato at iba pa

mga larawan ng mundong aking ginagalawan

Re-discovering Fort Santiago and Jose Rizal

Nasa elementarya pa ako noong una akong pumunta sa Fort Santiago.

Pinasyal ako ng nanay ko dito kasama ang kapatid ko. Dito ko unang nakilala si Jose Rizal.

Naaalala ko pa ang mga kulungan at ang mga lumang sasakyan na nakaparada sa loob nito. Iba na ang hitsura ng Fort Santiago. Sa pagpunta ko ulit dito, anak ko naman at asawa ang sinama ko. Masasabing mas maaliwalas na ito ngayon, pero para sa akin, tila hinahanap ng mata ko ang dating hitsura nito noon.

Si Gabriel ito, kunwari malalaglag sa “moat”

medyo nakakatakot itong tunnel na ito, o siguro imahinasyon ko lang…

May mga modelo ng mga tangke at eroplano sa exhibit nila

at meron ding mga lumang kanyon…

Madami ring mga turista…asawa ko yung naka-pula

Ang tindi ng sikat ng araw sa plaza armas,

Hindi ko sinasadyang mapatapat ito sa “ano” ni Rizal

Ang buto ni Rizal…pwede kayang kunan ito ng DNA niya para ma-clone siya?

Ang mahiwagang lampara ni Rizal at ang itinago niyang huling tula

Kuha ito sa loob ng dungeon, nakikita nyo ba ang spirit orbs?

Mas malinaw ang kuha ng spirit orb dito. Bawal pumasok sa loob ng dungeon, nakapadlock ito at madilim sa loob. Ang ginawa ni Gabriel ay ipinasok niya ang digicam sa loob ng gate at kumuha ng litrato, ayun may nakuha nga na mga “orbs”…mga kaluluwa kaya iyan ng dating nakakulong sa Fort Santiago?

At natapos ang paglalakbay namin sa Bagumbayan o Luneta, kung saan binaril si Dr. Jose Rizal

Salamat sa kabayanihan mo Rizal!

Agosto 11, 2008 - Posted by | Fort Santiago, Heroes, Tourist Spot in the Philippines, Travel | , , , ,

Mga Puna »

  1. Maraming salamat at mayroon pong ganitong mga website dahil malaking tulong po ito sa mga kabataan ngayon hindi lang po dahil sa walang kaalaman kundi wala rin pong panaho upang alamin ang ating kasaysayan at minsan po ay wala ring pera para pasyalan ang fort santiago upang malaman ang ating kasaysayn lalu sa ating National Hero.

    Comment ni Felix Reyes | Nobyembre 2, 2008 | Tugon

  2. isang malaking kaalaman para sa mga bata na aktulad ng nakararami upang malaman ang ilang imporamasyon sa fort satiago.
    tnx

    Comment ni zup | Marso 16, 2009 | Tugon

  3. they’re simply the best. oo nga simple ang steps nila pero? sila yung may nagawa na tumatak talaga sa mga tao. at syempre pagnarinig mo yung “MODERN TINIKLING”, talagang ASTIG PINOY agad ang papasok sa isip mo. they really deserve to be the champion…… visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Comment ni Liza | Nobyembre 25, 2012 | Tugon

  4. ninanais ko rin tuloy bumisita sa fort santiago kasama ang anak ko…malaking kaalaman ang iyong ibinahagi…salamat.

    Comment ni teddy | Disyembre 9, 2012 | Tugon


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: